Ano ang madalas mong kainin?Mahilig
ka ba sa mga maaalat na pagkain na nagtataglay ng mataas na gramo ng Monosodium Glutamate (MSG)?Sa mga inuming
may taglay na alcohol katulad ng softdrinks? O di kaya nama’y sa mga street foods ?Alam mo ba kung anu-ano
ang epekto nito sa ating kalusugan?
Likas na sa atin lalo na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, takot raw kasi tayong magutom. Kaya naman maya’t maya tayong kumakain na parang walang kabusugan.
At dahil sa ugali nating ito minsan hindi na natin naiisip kung ano
ba ang dapat nating kainin, kung masustansya ba ito o makasasama sa ating
kalusugan, ang mahalaga ay masarap ito at tayo’y nabusog. Di nga ba’t nagkalat
ang mga nagtitinda ng street foods sa
kahit saan? Alam mo bang pwede kang magkasakit ng Hepatitis sa pagkahilig sa inihaw
lalo na sa masarap at paborito ng lahat na isaw?
Alam mo rin bang may posibilidad na magkaroon ka ng cancer sa pagkain ng
inihaw? Ayon sa pagaaral, ang pagkain sa sunog na parte ng inihaw na pagkain ay
pwedeng maging dahilan ng cancer, dahil hindi ito natutunaw at naiiwan lang sa
ating katawan. Pwede ka ring makakuha ng
iba’t ibang mikrobyo sa pagkain ng mga pagkain sa lansangan dahil sa polusyon
sa paligid. Ang pagkakaroon ng diarrhea o pagsusuka ay ilan lamang sa mga sakit
na maaari mong makuha kung di ka magiingat.
Ang pagkahilig naman sa mga inuming may alcohol
katulad ng softdrinks, ay maaaring magresulta sa diabetes dahil ang isang bote
nito ay mayroong 10 kutsaritang asukal.Gayundin ang pagkakaroon ng Urinary Track Infection o UTI na karaniwan ng sakit ng mga tao
ngayon. Bihira na lang siguro ang wala ng sakit na ito dahil magamot man ang
nasabing sakit, babalik at babalik rin ito sa oras na uminom kang muli ng inuming
makakatrigger dito upang muling maging aktibo. Bilang estudyante, nasasaksihan
ko sa araw-araw na pagpasok sa paaralan ang pagkahilig ng marami sa softdrinks.
Ito kasi ang karaniwang pamatid uhaw na makikita sa kahit saang tindahan. Bakit
nga ba marami ang nahihilig sa ganitong inumin? Una, masarap. Pangalawa,
nakakapresko, dahil lagi itong available na ice cold. At ang pangatlo, MURA!
Totoo! mura ang softdrinks. Kadalasan ang isang bote ng inuming ito ay
nagkakahalaga ng pito hanggang sampung piso, 8oz. Ngunit ang tubig? Yung
pinakamaliit na bote kadalasan ay halagang sampung piso! Kaya naman mas madalas
itong bilhin ng mga estudyante. Aanhin mo nga naman ang tubig kung may mas
murang pamatid uhaw na masarap at may kulay?
Instant noodles, chichirya, burgers, pizza, french fries o mas kilala sa tawag na junk foods. At mula sa pangalan nito ay literal ang ibig sabihin nito na hindi masustansya . Pero aminin man natin o hindi lahat tayo hilig ang mga pagkaing ganito. Masarap kasi, at ito narin ang karaniwang makikita nating pagkain sa ating paligid. Sa umaga pa lang puno na ng betsin ang ating mga kinakain. Halimbawa na lamang ang instan noodles. Alam mo ba na ang pagkaing ito ay umaabot ng ilang oras bago matunaw sa ating katawan?
Na maaaring magdulot ng metabolic syndrome dahil napupuwersa ang ating digestive system na tunawin ito. Ayon sa pagaral ng US Recommended Dietary Allowance (RDA) ang ang isang tao ay dapat kumukonsumo ng 2,400mg lamang ng sodium sa isang araw, ngunit nakita rin sa nasabing pagaaral na ang isang pakete ng instant noodles ay may taglay na 830mg na napakataas para sa isang pagkain lamang. Ang pagkain nito ay pwedeng magresulta sa sobrang konsumo ng sodium lalo pa at karaniwang sangkap rin sa iba pa nating pagkain ang sodium. Napakasama sa kalusugan hindi ba? Pwede itong magdulot ng type 2 diabetes, problema sa digestive system, posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, sakit sa bato at atay, pwede rin itong makaapekto sa pagiisip at ang pinakamatinding epekto?mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng cancer. Gayundin ang masamang pwedeng maging epekto ng madalas na pagkain ng mga junk foods.Marami ang nahihilig dito sapagkat mabilis itong makapagpataas ng enerhiya ng katawan. Ngunit hindi nila napapansin na kung gaano kabilis ang pagtaas nito ay ganoon rin kabilis bumaba na nagreresulta sa muli nilang paghahanap ng makakaing junk foods. Ang karaniwang sintomas nito ay pagiging matamlay o di kaya'y sobrang taba. Madalas ang mga taong mahilig sa ganito ay walang ganang kumain ng kanin, naninilaw, nahihirapang magfocus at iritable.kaya makabubuti ang pagiwas at paglimita sa pagkaing ito.
Alam nating masarap kumain. Ngunit lagi sana rin nating isipin kung ano ang pwedeng idulot ng ating kinakain sa ating kalusugan. Hindi masamang tumikim ng mga pagkaing uso, ngunit sana isipin natin na lahat ng sobra ay masama. Palagi sana nating isipin ang ating kalusugan upang magkaroon tayo ng malusog at masayang buhay. J J J
Alam nating masarap kumain. Ngunit lagi sana rin nating isipin kung ano ang pwedeng idulot ng ating kinakain sa ating kalusugan. Hindi masamang tumikim ng mga pagkaing uso, ngunit sana isipin natin na lahat ng sobra ay masama. Palagi sana nating isipin ang ating kalusugan upang magkaroon tayo ng malusog at masayang buhay. J J J