Martes, Pebrero 10, 2015

Katakam-takam ngunit masama sa kalusugan...


                 
            Ano ang madalas mong kainin?Mahilig ka ba sa mga maaalat na pagkain na nagtataglay ng mataas na gramo ng Monosodium Glutamate (MSG)?Sa mga inuming may taglay na alcohol katulad ng softdrinks? O di kaya nama’y sa mga street foods ?Alam mo ba kung anu-ano ang epekto nito sa ating kalusugan?
  
 Likas na sa atin lalo na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, takot raw kasi tayong magutom. Kaya naman maya’t maya tayong kumakain na parang walang kabusugan.


At dahil sa ugali nating ito minsan hindi na natin naiisip kung ano ba ang dapat nating kainin, kung masustansya ba ito o makasasama sa ating kalusugan, ang mahalaga ay masarap ito at tayo’y nabusog. Di nga ba’t nagkalat ang mga nagtitinda ng street foods sa kahit saan? Alam mo bang pwede kang magkasakit ng Hepatitis sa pagkahilig sa inihaw lalo na sa masarap at paborito ng lahat na isaw? Alam mo rin bang may posibilidad na magkaroon ka ng cancer sa pagkain ng inihaw? Ayon sa pagaaral, ang pagkain sa sunog na parte ng inihaw na pagkain ay pwedeng maging dahilan ng cancer, dahil hindi ito natutunaw at naiiwan lang sa ating katawan. Pwede ka ring makakuha ng iba’t ibang mikrobyo sa pagkain ng mga pagkain sa lansangan dahil sa polusyon sa paligid. Ang pagkakaroon ng diarrhea o pagsusuka ay ilan lamang sa mga sakit na maaari mong makuha kung di ka magiingat.

 Ang  pagkahilig naman sa mga inuming may alcohol katulad ng softdrinks, ay maaaring magresulta sa diabetes dahil ang isang bote nito ay mayroong 10 kutsaritang asukal.Gayundin ang  pagkakaroon ng Urinary Track Infection o UTI na karaniwan ng sakit ng mga tao ngayon. Bihira na lang siguro ang wala ng sakit na ito dahil magamot man ang nasabing sakit, babalik at babalik rin  ito sa oras na uminom kang muli ng inuming makakatrigger dito upang muling maging aktibo. Bilang estudyante, nasasaksihan ko sa araw-araw na pagpasok sa paaralan ang pagkahilig ng marami sa softdrinks. Ito kasi ang karaniwang pamatid uhaw na makikita sa kahit saang tindahan. Bakit nga ba marami ang nahihilig sa ganitong inumin? Una, masarap. Pangalawa, nakakapresko, dahil lagi itong available na ice cold. At ang pangatlo, MURA! Totoo! mura ang softdrinks. Kadalasan ang isang bote ng inuming ito ay nagkakahalaga ng pito hanggang sampung piso, 8oz. Ngunit ang tubig? Yung pinakamaliit na bote kadalasan ay halagang sampung piso! Kaya naman mas madalas itong bilhin ng mga estudyante. Aanhin mo nga naman ang tubig kung may mas murang pamatid uhaw na masarap at may kulay? 

 Instant noodles, chichirya, burgers, pizza, french fries o mas kilala sa tawag na junk foods. At mula sa pangalan nito ay literal ang ibig sabihin nito na hindi masustansya . Pero aminin man natin o hindi lahat tayo hilig ang mga pagkaing ganito. Masarap kasi, at ito narin ang karaniwang makikita nating pagkain sa ating paligid. Sa umaga pa lang puno na ng betsin ang ating mga kinakain. Halimbawa na lamang ang instan noodles. Alam mo ba na ang pagkaing ito ay umaabot ng ilang oras bago matunaw sa ating katawan?


Na maaaring magdulot ng metabolic syndrome dahil napupuwersa ang ating digestive system na tunawin ito. Ayon sa  pagaral ng  US Recommended Dietary Allowance (RDA) ang ang isang tao ay dapat kumukonsumo ng 2,400mg lamang ng sodium sa isang araw, ngunit nakita rin sa  nasabing pagaaral na ang isang pakete ng instant noodles ay may taglay na 830mg na napakataas para sa isang pagkain lamang. Ang pagkain nito ay pwedeng magresulta sa sobrang konsumo ng sodium lalo pa at karaniwang sangkap rin sa iba pa nating pagkain ang sodium. Napakasama sa kalusugan hindi ba? Pwede itong magdulot ng type 2 diabetes, problema sa digestive system, posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, sakit sa bato at atay, pwede rin itong makaapekto sa pagiisip at ang pinakamatinding epekto?mataas na posibilidad  ng pagkakaroon ng cancer. Gayundin ang masamang pwedeng maging epekto ng madalas na pagkain ng mga junk foods.Marami ang nahihilig dito sapagkat mabilis itong makapagpataas ng enerhiya ng katawan. Ngunit hindi nila napapansin na kung gaano kabilis ang pagtaas nito ay ganoon rin kabilis bumaba na nagreresulta sa muli nilang paghahanap ng makakaing junk foods. Ang karaniwang sintomas nito ay pagiging matamlay o di kaya'y sobrang taba. Madalas ang mga taong mahilig sa ganito ay walang ganang kumain ng kanin, naninilaw, nahihirapang magfocus at iritable.kaya makabubuti ang pagiwas at paglimita sa pagkaing ito.


       Alam nating masarap kumain. Ngunit lagi sana rin nating isipin kung ano ang pwedeng idulot ng ating kinakain sa ating kalusugan. Hindi masamang tumikim ng mga pagkaing uso, ngunit sana isipin natin na lahat ng sobra ay masama. Palagi sana nating isipin ang ating kalusugan upang magkaroon tayo ng malusog at masayang buhay. J J J


4 (na) komento:

  1. Very well researched! I hope many will consider this in their diet! Sakit.info

    TumugonBurahin
  2. Napakaedukasyunal na kaalam at sana gawin ito ng bawat isa para maging malusog ang isang pamilya at ang amamayan sa lipunang ating gingalawan thank you po publisher sa kaalamang ibinahagi....

    TumugonBurahin
  3. nice research. very useful to read😁 thanks for informing us.

    TumugonBurahin
  4. Top 20 casinos in PA - Mapyro
    The Top 20 Casino in Pennsylvania · 광양 출장샵 Harrah's Cherokee Casino, Cherokee · The Harrah's Cherokee Casino, Cherokee · The Cosmopolitan 원주 출장샵 of Biloxi 익산 출장안마 · 강릉 출장샵 Harrah's Cherokee 남원 출장안마 Casino,

    TumugonBurahin